^

Probinsiya

Mag-ina utas sa road crash

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina utas sa road crash
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Villanora Librando, 46-an­yos; at ang 10-taong gulang na anak na si Bernadette; habang sugatan naman ang mister ni Villanora at ama ng bata na si si Jimmy Librando.

MANILA, Philippines — Patay ang mag-ina ng isang mister matapos salpukin ng kap­wa naka-motorsiklo sa kahabaan ng isang kalsada sa Purok 7, Brgy. Poblacion sa bayan ng Carmen, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Villanora Librando, 46-an­yos; at ang 10-taong gulang na anak na si Bernadette; habang sugatan naman ang mister ni Villanora at ama ng bata na si si Jimmy Librando.

Sa ulat ni Police Major April Lou Palma, hepe ng Carmen PNP, alas-6:50 kamakalawa ng gabi habang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng Everlasting St. sa naturang lugar nang bigla silang salpukin ng kasalubong na motorsiklo.

Dahil sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mag-ina na angkas ni Jimmy sa sementadong daan na nagresulta sa agarang pagkamatay ng misis at nasawi naman ang sampung taong gulang na anak habang ginagamot sa ospital.

Nasa kustodya na ng Carmen PNP ang drayber na ‘di pina­ngalanan sa ulat at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

vuukle comment

CARMEN NORTH COTABATO ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with