^

Probinsiya

4 mangingisda lunod sa minahan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Masaklap ang sinapit ng apat na mangingisda nang malunod matapos lumusong sa abandonadong coal mine para kunin ang submersible pump na matagal nang naiwan ng dating nagmimina sa Brgy. Batan, Rapu-Rapu, Albay, noong Lunes ng hapon.

Dalawa pa lang ang nakukuhang bangkay sa gina­gawang retrieval operation ng mga otoridad na kinilala lamang sa kanilang alyas na “Uwak” residente ng Brgy. San Roque, Tabaco City at “Kalbo”, residente ng Sitio Lipata, Brgy. Villahermosa.

Patuloy na hinahanap sa ilalim ang mga kasamahang sina Orly Bisco, 40-anyos at Timoteo Benig Balunzo, 35-anyos, kapwa residente ng Brgy. Calanaga.

Sa ulat, nagkaroon umano ng interes ang apat na i-retrieve ang submersible pump na naiwan sa abandonadong open pit ng minahan sa lugar kaya dakong alas-5:30 ng hapon ay lumusong ang apat.

Gayunman, hindi na mu­ling umahon ang mga ito kaya nabahala ang ilang residente na nakakita sa mga biktima nang lumusong sa maputik na dating minahan kaya tumawag na sila nang saklolo sa mga pulis at coastguard.

Patay na nang maihaon sina Uwak at Kalbo habang patuloy na hinahanap sina Bisco at Balunzo na pinaniniwalaang mga patay na rin.

vuukle comment

LEGAZPI CITY ALBAY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with