^

Probinsiya

Covered court gumuho: 9 studes sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Covered court gumuho: 9 studes sugatan
Ayon kay PRO 9 Spokesperson P/Major Helen Galvez, dakong alas-8:30 ng umaga ha­bang nagkaklase sa co­vered court si Sherley Fonollera, section advi­ser ng Grade VII at IX dahil sa kakulangan ng silid-aralan sa eskuwelahan, nang bigla na lamang umanong bumigay ang covered court na ikinasugat ng mga estudyante.
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Siyam na estudyante ang nasugatan makaraang aksidenteng gumuho ang covered court ng kanilang eskuwelahan sa Brgy. Sinubong, Zam­boanga City nitong Lunes.

Sa ulat, walong biktima ay nagkaka-edad ng 14-16 at kasama nila si Shaina dela Cerna, 19; mga mag-aaral sa Labuan National High School na mabilis na isinugod sa Labuan Public Hospital para malapatan ng lunas.

Ayon kay PRO 9 Spokesperson P/Major Helen Galvez, dakong alas-8:30 ng umaga ha­bang nagkaklase sa co­vered court si Sherley Fonollera, section advi­ser ng Grade VII at IX dahil sa kakulangan ng silid-aralan sa eskuwelahan, nang bigla na lamang umanong bumigay ang covered court na ikinasugat ng mga estudyante.

Nabatid na napuno ng tubig ang covered court dahil sa mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw kung kaya humina ang pundasyon nito at tuluyang bumagsak.

vuukle comment

COVERED COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with