Drug dealer dedo sa buy-bust
CAVITE, Philippines — Bulagta ang Isang umano’y kilalang drug dealer sa ilang lugar sa lalawigan matapos na manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. 8, Cavite City.
Kinilala ang napatay na suspek na si Lorenzo Aldas alias “Jun”, 52, ng Pulo 3, Brgy. 8, Cavite City.
Sa ulat ni Pat. Jumar Bedural, ala-1:15 ng hapon nang ikasa ng Cavite City Police Drug Enforcement Team kasama ang ilang miyembro ng PDEA ang buy-bust operation laban sa suspek kasunod ng ilang araw na surveilance dahil sa pagiging umano’y drug dealer nito sa kanilang lugar at mga karatig na bayan at lungsod. Habang isinasagawa umano ang buy-bust, nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kung kaya agad niyang itinulak at pinaputukan. Mabuti na lamang at nakagulong ang nasabing pulis kung kaya hindi tinamaan. Dito na nauwi sa habulan at engkuwentro hanggang sa bumulagta ang suspek.
- Latest