^

Probinsiya

2 patay, 2 kritikal sa road mishap

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  —  Dalawa katao ang nasawi habang dala­wang iba pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos ang magkahiwalay na road accident sa Cagayan, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Cristina Ulibas, 52, ng Brgy. Nararagan, Ballesteros, Cagayan at Jansen Sian, 22, ng Centro Sur, Gattaran, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, si Ulibas ay nasawi matapos mag-swerved uma­no ang kanilang sinasakyang tricycle na ku­long-kulong na minamaneho ni Joyce Paño, 45, na naging dahilan para masalpok ng Ford Ranger ng negosyanteng­ si Nancy Usita, 43. 

Samantala, si Sian ay agad nasawi matapos masangkot sa karambola ng dalawang sasakyan ang kanyang minamanehong Maton na motorsiklo sa Maharlika Highway ng Brgy. Guising sa Gattaran dakong alas-7:30 ng gabi.

Binabagtas ni Sian ang kalsada nang aksidenteng makipagsalpukan sa kasalubong na Hyundai H-100 van na mi­namaneho ni Dennis Ballad, 34, ng Callao, Peñablanca, Cagayan. Tumilapon siya sa kalsada at aksidenteng nasagasaan pa ng paparating na Mitsubishi Adventure (XSC 274) ni Jayby Menita Mau­ricio, 31, na tumakas ma­tapos ang insidente.

Sumuko si Ballad habang si Mauricio ay nalambat ng mga awtoridad sa inilatag na checkpoint.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with