^

Probinsiya

4 ‘tulak’ utas sa buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� utas sa buy-bust
Kapwa bulagta ang umano’y mga tulak na sina Roberto dela Peña at Richard Alabado matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Kuha ni Omar Padilla

BULACAN, Philippines — Apat na hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation sa bayan ng Sta. Maria at San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng Sta. Maria Police kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial director, nakilala ang mga napa­tay na suspek na sina Roberto dela Peña, 32, ng Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria; Richard Alabado, 23, ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan; Ijel Fabros at Christian Marcos.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw kahapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Sta. Maria Police laban kina dela Peña at Alabado na kilalang tulak at supplier ng shabu sa Brgy. Poblacion, San Gabriel at Caysio.

Matapos na maiabot ng dalawa ang shabu sa buyer, napansin nila na may papalapit na pulis sa kanila kung kaya agad nilang pinaputukan ang mga awtoridad sanhi ng shootout na ikinabulagta ng dalawa. Narekober sa crime scene ang isang Armscor cal .45 pistol, isang Smith and Wesson cal .38 revolver, 13 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Nauna rito, napatay din ng mga pulis sa San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City kamakalawa ang umano’y mga tulak na sina Fabros at Marcos.

Sa ulat kay P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police,  dakong ala-1:55 ng madaling araw nang makipagbarilan ang dalawang suspek matapos nilang matunugan na isang pulis ang kanilang ka-transaksyon sa bentahan ng droga. Narekober dito ang isang cal .9mm pistol, isang cal .38 revolver, mga shabu paraphernalia at buy-bust money.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with