Ex-NPA official, 1 pa todas sa raid
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang isang da-ting opisyal ng New People’s Army (NPA) matapos manlaban habang isinisilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest sa kanilang safehouse kahapon ng umaga sa Nabunturan, Composte­la Valley.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jay Mendoza alyas “Pogs” at isang alyas Ondoy.

Sa ulat, habang isi­nisilbi ang apat na warrant of arrest ng mga operatiba ng Laak Municipal Police at 60th Infantry Battalion laban kina Mendoza at Ondoy dahil sa mga kasong murder, double murder with double frustrated murder, robbery in band at serious illegal detention nang bigla na lamang paulanan ng bala ng da-lawa bago pa makapasok sa kanilang safehouse sanhi ng barilan.

Si Mendoza ay dating deputy secretary ng NPA sub-regional committee 2 sa Southern Mindanao mula 2006-2018 at res­ponsable sa pagpatay sa dalawang army offi­cers,16 pang sundalo, mga pulis at CAFGU, gayundin sa panununog ng mga mining equipment at mga sasakyan sa Compostela Valley, habang si Ondoy ay kabilang sa drug personalities ng PNP watchlist sa bayan ng Laak.

RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with