Si Police Master Sergeant Deogenes Carillo
Hepe sa Cebu inambus ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang hepe ng pulisya matapos paulanan ng bala ang sinasakyan nitong pick-up ng armadong riding-in-tandem habang pauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Cordova, Cebu nitong Huwebes ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Police Master Sergeant Deogenes Carillo, acting deputy chief of police ng Cordova Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay Police Lt. Col. Eleveo Marquez, hepe ng Cebu Provincial Investigation and Detective Management Branch, naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Kasalukuyang lulan ang biktima ng kanyang puting Toyota pick-up pauwi na sa kanilang tahanan sa Brgy. Punta Engano sa Lapu-Lapu City, Cebu nang harangin ng isang magkaangkas sa motorsiklo.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay agad na pinagbabaril ng   mga salarin ang opisyal.

Matapos ito ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na may lending business ang biktima at posible umanong may nakaaway ito habang may report din na sangkot ang opisyal sa ilegal na droga na masusi pang bineberipika ng Cebu Police.

Nagpapatuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

DEOGENES CARILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with