Dead-on-the-spot dahil sa matinding mga sugat na tinamo ang suspek na naaresto ng PDEA agents na si Gerry del Rosario.
File Photo
Drug suspect dedo, 3 PDEA agents sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang naares­tong drug suspect habang apat ang sugatan kabilang ang tatlong ahente ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ma­­sangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang service vehicle makaraang tangkaing agawin ng una ang manibela sa driver habang bumabagtas sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Carmona, Cavite, kamakalawa.

Dead-on-the-spot dahil sa matinding mga sugat na tinamo ang suspek na naaresto ng PDEA agents na si Gerry del Rosario.

Isinugod naman sa Perpetual Hospital sa Biñan City, Laguna ang mga nasugatang sina PDEA agents Deo Tabor, driver ng behikulo; Rodrigo Ramirez, at Rey Ricohermoso, at ang isa pang kasamahang suspek ni Del Rosario na si Catherine del Rosario.

Sa ulat, dakong alas-10:25 ng umaga habang ini-eskortan ng PDEA agents ang mga nasakoteng drug suspects sakay ng isang Toyota Camry (XGM-641)  at binabagtas ang kahabaan ng SLEX South Bound, nang bigla umanong agawin ni Gerry ang manibela kay Tabor.

Bunga nito ay nagpagiwang-giwang ang takbo ng behikulo sa kanang bahagi na bumangga sa konkretong barandilya sa SLEX kung saan ay bumaligtad pa ito na ikinasugat ng mga lulan nito.

Ang suspect na si Gerry ay idineklarang dead-on-the-spot ng mga nagrespondeng rescue team habang ang tatlong PDEA agents at si Catherine ay isinugod naman sa pagamutan.

PDEA AGENTS KILLED PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with