Batay sa ulat, agad na binawian ng buhay ang suspek na si Juanito de Guzman matapos makipagbarilan sa mga operatibang aaresto sa kanya makaraang pagbentahan nito ng isang plastic sachet ng shabu ang undercover agent sa Brgy. Abar 1st, dakong alas-12:30 ng hatinggabi.
Miguel De Guzman
‘Tulak’ utas, 3 pa tiklo sa drug ops
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tumimbuwang ang isang ‘tulak’ ng droga habang tatlo ang arestado ng mga otoridad kasunod ng pinaigting na kampanya laban sa droga sa San Jose, Nueva Ecija kahapon.

Batay sa ulat, agad na binawian ng buhay ang suspek na si Juanito de Guzman matapos makipagbarilan sa mga operatibang aaresto sa kanya makaraang pagbentahan nito ng isang plastic sachet ng shabu ang undercover agent sa Brgy. Abar 1st, dakong alas-12:30 ng hatinggabi.

Narekober sa bangkay ni De Guzman ang isang cal. 38 revolver na paltik.

Nauna namang naaresto ng mga pulis sa hiwalay na drug bust operation sa nasa-bing barangay ang magka-sintahang Ronaldo Obillo, 29 at Mylene Bautista, 38, na nahulian ng limang sachet ng shabu.

Dakong alas-6:00 ng gabi naman nang masakote ang notoryus na ‘tulak’ na si Marx Lenin Lumibao, 30, alyas “Kalabaw” matapos makabili rito ang pulis na tumayong buyer ng tatlong sachet ng shabu sa Brgy. Rafael Rueda.

DRUG BUY-BUST-OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with