Sabungero sinuntok ng kapustahan, tigok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang 65-anyos na sabungero matapos mabagok ang ulo sa pagbagsak nito nang suntukin ng nakaalitang kapwa sabungero makaraang hindi nagkasundo sa bayaran sa pustahan sa Brgy. San Roque sa bayan ng Jovellar, Albay kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang biktimang si Fernando Mancera Osia, magsasaka, at residente ng Brgy. Quinuartelan, Camalig.

Tinutugis na ang tumakas na suspek na nakilalang si Alex Molas, residente ng Brgy. San Vicente.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon, dumayo ang biktima sa bayan ng Jovellar para magsabong.

Gayunman, nakita na lang ng ilang saksi na nagtatalo ang biktima at suspek dahil sa hindi umano nagkasundo sa bayaran ng pustahan.

Dahil sa galit ng suspek ay sinuntok nito sa mukha si Mancera dahilan para matumba ito at bumagok ang ulo sa nakausling sanga ng kahoy.

Walang malay na isinugod sa ospital ang biktima pero namatay habang nilalapatan ng lunas.  

ALBAY PHILIPPINES CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with