^

Probinsiya

P3-M marijuana sinunog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Umabot sa halos P3 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad kasunod ng isinagawang pananalakay sa  nadiskubreng plantasyon sa Sitio Talaca, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. 

Sa report na ipinalabas ni Cordillera Police Spokesperson Maj.  Caroline Lacuata, uma­bot sa 14,600 puno ng marijuana ang binunot ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency mula sa tatlong plantasyon nito sa lungsod na nasa halos P3 milyong halaga base sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board. 

Kaagad nagsitakas ang mga nagpapatakbo ng plantasyon nang matunugan ang pagdating ng mga alagad ng batas, dagdag ni Lacuata. 

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with