^

Probinsiya

‘Tulak’ dedo, 3 huli sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Patay ang isang hinihinalang drug suspect habang arestado ang tatlong iba na tulak umano ng droga sa buy-bust operations na isinagawa sa magkakahiwalay na bayan dito.

Kinilala ni Police Lt. Col. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang nasawi na si Patricio Azurin, alyas Patrick Azurin, nasa hustong edad ng Purok Rosal, Barangay Dicarma, ng nasabing lungsod at kabilang umano sa drug watchlist ng pulisya.

Napatay si Azurin ng mga tauhan ng Cabanatuan City Police nang manlaban umano ito bandang alas-11:30 ng gabi noong Martes sa Purok 2, Barangay Dicarma sa nasabing lungsod.

Samantala, ang mga nadakip ay sina Jeffrey Concepcion, 40, may asawa, at Fernando dela Cruz, 50, kapwa ng Brgy. San Lorenzo, Gapan City, at Jonathan Salvatiera, 26, binata ng Brgy. Kaingin, Bongabon, Nueva Ecija. Anim na plastic sachet ng umano’y shabu na nasa P250,000 ang halaga ang nasamsam sa mga naaresto.

vuukle comment

CRIME

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with