^

Probinsiya

Sagupaan sa Cavite: 1 utas, 5 grabe

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sagupaan sa Cavite: 1 utas, 5 grabe
Kinilala ang nasawi na si Frederick Marquez, 29-anyos, idineklarang dead-on-arrival sa Metrosouth Hospital dahil sa mga saksak sa katawan.

MANILA, Philippines — Isang security guard  ang nasawi habang lima pa ang malubhang nasugatan matapos na mauwi sa madugong sa­gupaan ng mga security guard at mga re­si­dente ang ali­tan sa lupa kaugnay ng ginawang clearing operations ng land developer na inakalang demolisyon sa Sitio Malipay 3, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Frederick Marquez, 29-anyos, idineklarang dead-on-arrival sa Metrosouth Hospital dahil sa mga saksak sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatang sina Efren Morado, 24; Guilberto Oblino Jr., 26; Efjane Morado, 22, Kevin Chris Calinog, 24  at isa pang guwardya na si Rafael Flores, 52.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Gen. William Segun, dakong alas-8:30 ng umaga nang sumiklab ang karahasan sa pagitan ng mga guwardya ng Jericho Security Services at mga residente sa lugar habang isinasagawa ang clearing operation sa mga debris ng Althorp Land Holdings and Deve­loper na siyang kumuha sa serbisyo ng nasabing security agency upang mapalayas sa lugar ang mga residenteng nagmamatigas na lisanin ang lupang kanilang tinitirhan.

Arestado naman ng mga nagrespondeng pulis ang limang sekyu ng Jericho na sina Christian Norbe, 32, Michael Regencia, 30, Rowy Callar, 26; Jeramie Gonzaga, 26, at Jay R Herrero, 20.

Nilinaw ng opisyal na ‘di demolisyon ang nangyari kundi clearing operation lamang ng developer na nakabili ng nasabing lupain at dumating ang bulldozer dito na ineeskortan ng mga security guard na nauwi sa komosyon.

Sa kasagsagan ng tensyon, nagpaputok sa ere ang mga guwardya habang ilang residenteng lalaki naman ang sinaksak ang dalawa sa mga ito.

Nabatid na aabot sa 2,000 pamilya ang apek­tado ng nasabing operas­yon at nakontrol lamang ang sitwasyon matapos na magresponde ang mga operatiba ng pulisya sa lugar.

vuukle comment

BACOOR CITY CAVITE CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with