No. 1 wanted sa Naic timbog
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Nadakma ng Naic Police ang numero unong wanted person sa kasong kidnapping with homicide sa isinagawang pagsalakay sa lungga nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo Silangan, ng ba­yang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Erwin Dela Vega, 28-anyos,  residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, nakatanggap ng tip ang pulisya mula sa ‘di nagpakilalang impormante na namataan umano sa nasabing lugar ang suspek. Dahil dito, nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad at nang magpositibo ay ikinasa ang operasyon.

Bitbit ang kopya ng arrest warrant na inisyu ni Lerio Castigador, executive judge ng RTC-Branch 15 sa Naic, tinungo ng mga pulis ang kinaroroonan ng nasorpresang suspek na hindi na nakuha pang manlaban.

Ang suspek ay kasama sa Top Ten Most Wanted Person at nasa Rank 1 sa kasong kidnapping with homicide at walang inirekomendang piyansa para sa pansa­mantalang kalayaan nito.

HOMICIDE KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with