Kinilala ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang biktima na si Ryard Badiang, residente ng Sitio Ibuan, Brgy Mampi, Lanuza, Surigao del Sur na iniulat na kinidnap ng Communist NPA Terrorist (CNTs) noong Mayo 30, 2019.
Bihag na CAFGU pinugutan ng NPA
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang miyembro ng CAFGU na bihag ng mga teroristang New Peoples Army (NPA) matapos na pugutan ng ulo ng kanyang mga abductors kahapon ng umaga sa Surigao del Sur.

Kinilala ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang biktima na si Ryard Badiang, residente ng Sitio Ibuan, Brgy Mampi, Lanuza, Surigao del Sur na iniulat na kinidnap ng Communist NPA Terrorist (CNTs) noong Mayo 30, 2019.

Kahapon natagpuan ang naaagnas nang bangkay ni Badiang dakong alas-8:30 ng umaga sa bisinidad ng Mahawan, So. Banahao, Maitum, Tandag City ng naturang lalawigan habang nagsasagawa umano ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng 36th IB.

Kinondena ng militar ang marahas na gawa ng tero­ristang grupo na malinaw umanong paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) sa ilalim ng Republic Act 9851.

Nabatid na ang pamilya ng biktima ay unang masigasig na umapela sa CNTs sa pamamagitan ng radio interview at lokal media para palayain si Ryard na isa umanong miyembro ng Cafgu at off duty na ng dukutin.

Nanawagan naman si Lt. Col. Trinidad, commanding officer ng 36th IB sa provin­cial at local government na aksyunan at kondenahin ang ginawang terorismo ng grupo kasabay ng paghamon sa lahat ng human rights advocate na imbestigahan ang nasabing insidente para mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilya nito.

NEW PEOPLES ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with