Kinilala ang napaslang na si Dante Tancinco, 59, may asawa, magsasaka at residente sa naturang lugar.
Drug surrenderee nang-agaw ng baril, todas sa parak
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

BURDEOS, Quezon, Philippines  —  Patay ang isang drug surrenderee makaraang tamaan ng bala ng baril na aksidenteng pumutok habang nakikipag-agawan ito sa isang pulis kamakalawa ng gabi sa Sitio Judith, Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Kinilala ang napaslang na si Dante Tancinco, 59, may asawa, magsasaka at residente sa naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi habang nagsasagawa ng surveillance sa lugar ang mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) kaugnay sa sumbong na may illegal drug trade.

Nang magresponde sa lugar, agad na nakilala ng suspek ang isang pulis na nakasibilyan at tinangka nitong agawin ang caliber 9mm na nakasukbit sa baywang nito.

Sa puntong iyon, agad nagpambuno ang dalawa hanggang sa pumutok ang baril na ang bala ay tumama sa ulo ng suspek na agad namatay.

Nakarekober ng mga awtoridad mula sa bulsa ng pantalon ng suspek ang isang posporo na naglalaman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at cellphone.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with