Rider, angkas dedo sa dump truck
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines  —  Kapwa patay ang isang rider at angkas nito nang makasalpukan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang dump truck sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. San Jose,  Antipolo City kahapon ng madaling araw.

Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Vladimir Galvez, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo at Ryan Haropohop, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Tanza, Brgy. San Jose.

Arestado naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Charlie Pating, driver ng dump truck at residente ng Marikina City.

Sa ulat kay P/Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maganap ang salpukan ng motorsiklo at dump truck sa Marcos Highway sa Sitio Cabading, nasabing barangay.

Magkaangkas sa isang Sky Go motorcycle ang mga biktima at binabagtas ang naturang highway patungo sa area ng Boso-boso nang pagsapit sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay nakasalubong nito ang dump truck na minamaneho ni Pating sanhi ng salpukan.

Sa tindi ng banggaan, kapwa tumilapon ang dala­wa mula sa motorsiklo na kanilang agarang ikinamatay.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with