Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director, unang naaresto sa mga bayan ng Sta. Maria, Balagtas, Meycauayan at Bulakan ang mga suspek na sina Christopher Cafugauan, 31; Angelo Baliga, 32; Charlea Ko, 32; Barnaby Joe Balino, 28, at Edward Mariano, 32. Nabawi sa kanila ang 13 plastic sachet ng shabu, isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang Smith and Wesson cal.38 revolver mula kay Baliga at buy-bust money.
11 ‘tulak’ at wanted huli sa Bulacan
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines  —  Inaresto ng Bulacan Police ang 11 na pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot at wanted sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan kahapon ng ma­daling araw.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director, unang naaresto sa mga bayan ng Sta. Maria, Balagtas, Meycauayan at Bulakan ang mga suspek na sina Christopher Cafugauan, 31; Angelo Baliga, 32; Charlea Ko, 32; Barnaby Joe Balino, 28, at Edward Mariano, 32. Nabawi sa kanila ang 13 plastic sachet ng shabu, isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang Smith and Wesson cal.38 revolver mula kay Baliga at buy-bust money.

Samantala, nadakip din ng Bulacan Tracker Team at 2nd Bulacan Provincial Mobile Group and dalawang wanted person sa kasong rape at BP 22 na sina  Reynaldo Pangilinan, 62, at Editha Bautista, 43. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong rape ni Pangilinan.

Apat na suspek din na may mga kasong theft, qualified theft at physical injury ang natimbog na sina Keysie Castro, 26, may kasong theft; Erwin Sarmiento, 43, sa kasong qualified theft; at Rutchan Pabika, 48, at Gian Carlo Pabika, 21 ng Brgy. Bulihan, Plaridel; pawang may kasong physical injury.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with