2 mister patay sa salpukan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  —  Dalawang mister ang nasawi matapos masangkot sa salpukan ang kani-kanilang motorsiklo at sports utility vehicle (SUV) sa Reina Mercedes, Isabela at San Ildefonso, Ilocos Sur kamakalawa.

Sa report, parehong nago-overtake sa isa pang sasakyan sina Jefferson Lasam at Eric Tabali, kapwa 29-anyos nang banggain nila ang kasalubong na Toyota Fortuner at Toyota Yaris sa kabilang linya sa highway ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes at Brgy. Poblacion East, San Ildefonso, ayon sa kanilang pagkakasunod.

Kapwa idineklarang patay ang dalawa sa ospital kung saan sila isinugod habang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang drayber ng Toyota Yaris na si Pajero Celeste, 22, at ang hindi natukoy na nakabangga kay Lasam ay tumakas matapos ang sakuna.

CRIME ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with