18-anyos na misis pumalag sa rape, suspek arestado
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  —  Hindi nasiraan ng loob ang isang 18-anyos na misis matapos makaligtas sa tangkang panggagahasa nang sipain nito ang ari ng manyak na nagtangkang yurakan ang kanyang pagkababae sa Brgy. Mungo, Tuao, Cagayan kamakalawa.

Sa report ni P/Major Sharon Malillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Office, naghuhugas ng pinggan sa kanilang kusina ang biktimang itinago sa pangalang Anna nang pasukin at kaladkarin ito palabas sa damuhan ni Alvin Pamittan, 32, na kanyang kapitbahay dakong alas-4:00 ng hapon.

Habang hinuhubad ni Pamittan ang suot na short pants ng ginang ay biglang bumuwelo ang huli saka nito buong lakas na sinipa ang ari ng una sabay karipas ng takbo palayo. Tumakas naman ang suspek pero matapos ang pagtatangka ay nadakip din siya sa follow-up operation ng pulisya.  

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with