^

Probinsiya

4 dedo sa salpok ng bus, 1 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
4 dedo sa salpok ng bus, 1 grabe
Labas ang utak at nagkabali-bali ang buto ng dalawang mister na sakay ng traysikel makaraan silang tumbukin ng kasalubong na GV Florida bus sa highway ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela noong Sabado.
PNP Photo

MANILA, Philippines — Apat na katao kabilang ang isang guro at anak nito ang nasawi habang isa ang agaw-buhay matapos silang matumbok ng bus sa magkahiwalay na lugar sa Gamu, Isabela at Uson, Masbate, iniulat kahapon.

Sa report, habang nag-oovertake sa isa pang sasakyan ang drayber ng rumaragasang GV Florida Bus na patungong Maynila sa kurbadang bahagi ng highway ng Brgy. Guibang, Gamu nang salpukin nito ang traysikel na minamaneho ni Eric Bagauisan dakong alas-10:30 ng umaga.

Dead-on-the-spot si Ba­gauisan at pasahero nitong si Jhong Madayag habang kritikal na isinugod sa hospital ang isa pang kasama na si Renato Gallato.
Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang bus driver na si Rohmar Agcaoili at inihahan­da na ang kasong kriminal laban sa kanya.

Nauna rito, agad ding namatay ang mga biktimang sina Clint Alburo, 19, college student at amang si Richard Alburo, guro ng Buenavista National High School matapos silang madurog nang magulungan ng kasalubong na bus ng Baby Boy Bus Lines na minamaneho ni Ely Delos Reyes sa kahabaan ng highway sa Purok-2, Sitio Panisijan, Brgy. Buenasuerte, Uson, Masbate dakong alas-3:40 ng hapon.

Binabagtas umano ng mag-ama ang highway nang biglang gumewang at sumal­pok sa kasalubong na bus. Sa lakas ng banggaan, nadurog ang motorsiklo at pumailalim sa bus kasama ang mga biktima na pareho pang nagulungan. Inaresto ng mga pulis si Delos Reyes. (Jorge Hallare)

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with