^

Probinsiya

Obrero lumabag sa curfew, pinabulagta ng sekyu!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Obrero lumabag sa curfew, pinabulagta ng sekyu!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jayson Benedicto, 30-anyos, tubong Masbate City at stay-in worker sa Parksville Residences, Brgy. Alapan 2-A, nasabing lungsod.
File Photo

CAVITE, Philippines — Dahil sa umano’y paglabag sa ipinatutupad na curfew sa subdibisyon, isang construction worker ang bumulagta matapos na barilin ng nakatalagang security guard kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alapan 2-A, Imus City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jayson Benedicto, 30-anyos, tubong Masbate City at stay-in worker sa Parksville Residences, Brgy. Alapan 2-A, nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Eddie Perez Jr., residente ng  Block 28 Lot 5 Heleconia St., Parksville Residences, Brgy. Alapan 2-A, Imus City at duty guard ng Parksville Residences.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Orchid St. sa Parksville Residences kung saan kakatapos lang makipag-inuman ng biktima sa kanyang mga katrabaho sa loob ng kanilang barracks at nagbabalak nang matulog.

Dahil sa mainit sa loob ng kanilang barracks, lumabas ang biktima at dito na humiga pero natiyempo namang nagro-roving ang guwardya kaya nadaanan niya ang una. Agad niyang sinita at sinabing bawal ang matulog sa labasan at may curfew din umano dito. Subalit dahil sa lasing ang biktima ay nangatwiran ito sa sekyu hanggang sa sila ay magtalo.

Napikon ang suspek hanggang sa bumunot ng baril at binaril nito ng dalawang beses ang obrero na agad na nasawi sa insidente. Naaresto naman ang suspek at nakuha dito ang isang caliber 38 revolver na may mga bala.

vuukle comment

ONSTRUCTION WORKER KILLED BY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with