^

Probinsiya

Bgy. treasurer nag-withdraw sa bangko, inambus ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bgy. treasurer nag-withdraw sa bangko, inambus ng tandem
Nilapatan na ng lunas at nasa maayos nang kondisyon sa RPH Cabading Hospital ang biktimang si Belinda Manahan, ingat-yaman ng Brgy. San Luis, habang nakatakas ang mga ‘di nakilalang suspek lulan ng motorsiklo.
File Photo

RIZAL, Philippines — Sugatan ang isang barangay treasurer sa Antipolo City nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. San Luis habang bumibiyahe pabalik sa barangay hall matapos na mag-withdraw ng payroll money mula sa bangko kamakalawa.

Nilapatan na ng lunas at nasa maayos nang kondisyon sa RPH Cabading Hospital ang biktimang si Belinda Manahan, ingat-yaman ng Brgy. San Luis, habang nakatakas ang mga ‘di nakilalang suspek lulan ng motorsiklo.

Sa ulat ng Antipolo City Police alas-11:00 ng umaga nang maganap ang pananambang sa C. Lawis Extension sa Brgy. San Luis.

Nauna rito,  nagtungo si Manahan sa isang bangko at kumuha ng perang pampasuweldo sa mga barangay officials. Gayunman, nang pabalik na siya sa barangay sakay ng isang Toyota Revo na isyu ng barangay, at minamaneho ng kasama niyang driver na hindi na pinangalanan ay bigla na lang silang sinundan at kaagad na pinaulanan ng bala ng mga suspek. 

Tinamaan ng mga bala si Manahan habang hindi naman nasiraan ng loob ang driver na masuwerteng nakaligtas, kaya’t kaagad nitong pinaharurot ang behikulo upang makatakas at isinugod ang biktima sa ospital.

vuukle comment

AMBUSH BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with