^

Probinsiya

Principal, misis pisak sa sports car

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang elementary school principal at misis nito makaraan silang aksidenteng magulungan ng humahagibis na sports car sa Iloilo City nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng Iloilo City Police, kinilala ang mga nasawi na sina Jomarie Osano, principal sa La Paz II Elementary School sa naturang siyudad at misis nitong si Alnie Dinah; pawang mga residente ng La Paz District ng lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Police Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 6, bandang alas-6:20  ng umaga, kasalukuyang tumatawid sa pedestrian lane ng kalsada ang principal kasama ang misis nang sila ay mabundol at magulungan pa ng humahagibis na 2-door Mazda MX 5 na minamaneho ni Jun Paul Valencia, 32, taga Mandurriao, Iloilo.

 Ang mag-asawa ay ga­ling sa page-ehersisyo sa pamamagitan ng paglalakad at jogging, at patawid na sa kalsada nang mangyari ang insidente.

 Matapos ang ilang oras, boluntaryo namang sumuko si Valencia sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ILOILO CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with