^

Probinsiya

Rookie cop natagpuang patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang bagitong  pulis na hinihinalang nag-suicide sa tinamong isang tama ng bala sa dibdib sa Brgy. Mabini, Escalante City, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Richard Villasis, 26-an­yos, binata, residente ng Brgy. Jaena Norte, Jamindan, Capiz.

Sa ulat ng Negros Occidental Police, bandang alas-4:20 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kuwarto nito sa kanilang detachment sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuan ni Police Staff Sergeant Romel Aguilar na duguan sa tama ng bala sa dibdib sa kanyang kama.

Samantalang ang service firearm ng biktima na isang cal. 45 pistol ay natagpuan naman sa ibaba ng kama nito.

Lumalabas na maaaring nag-suicide ang biktima kung saan binalot nito sa tuwalya ang kanyang armas upang hindi lumikha ng ingay ang baril na ipinutok nito sa kanyang dibdib na naglagos sa kanyang likuran. Siya ay dead on the spot sa insidente.

Narekober sa crime scene ang isang unit ng cal. 45 pistol Colt MK4 series 70 na may lamang isang bala sa chamber  at magazine na kargado naman ng limang bala, isang cartridge case  at mga personal na kagamitan.

Iniimbestigahan pa kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

RICHARD VILLASIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with