Pugante todas, 1 huli sa raid
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Napatay ang matagal nang wanted sa batas na isang pugante habang naaresto ang isang kasama nito sa nangyaring shootout nang isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa suspek sa kanyang safehouse sa Brgy. Olandang, bayan ng Midsayap kamakalawa.

Kinilala ang nasawing suspek na si Thorag Sandalan Sabal alias Erick Pasanggalan na may patung-patong na kaso kagaya ng murder, illegal drugs possession at illegal possession of firearms habang ang nadakip ay si Nasser Makabangen Usman.

Sa ulat kay Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, director ng Po­lice Regional Office 12, alas-10:00 ng umaga, bitbit ang warrant of arrest, sinalakay ng mga pulis ang pinag­kukutaan ni Sabal pero imbes na sumuko ay nanlaban ang huli na kanyang ikinabulagta. Nadakip naman ang kasama nito na si Usman matapos na makuhanan ng illegal na armas at illegal drug paraphernalia.

Si Sabal ay isa sa mga pugante ng Maguindanao Provincial Jail na tumakas noong Mayo 24, 2018.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre .45 na pistol, 2 plastic sachet ng shabu at bala ng kalibre 45.

RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with