^

Probinsiya

2 ‘pusher’ bulagta sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 �pusher� bulagta sa buy-bust
Sa ulat na tinanggap ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nakilala ang nasawi na sina Jaymar Yangson ng Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City at isang Claire Buenaventura, ng Barangay Abar 1st, San Jose City, NE; habang nakatakas ang isa pa sakay ng kulay pulang Honda TMX motorcycle.

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Dalawang lalaki na hinihinalang tulak ng droga ang napatay habang nakatakas naman ang isa pa sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan dito sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija noong Sabado.

Sa ulat na tinanggap ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nakilala ang nasawi na sina Jaymar Yangson ng Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City at isang Claire Buenaventura, ng Barangay Abar 1st, San Jose City, NE; habang nakatakas ang isa pa sakay ng kulay pulang Honda TMX motorcycle.

Sa ulat,alas-2:40 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang sa Brgy. Pulong Bahay, Quezon. Napatay si Yangson na sakay ng kulay itim na tricycle nang manlaban umano at mabaril ng dalawang beses ang naka-bullet proof vest na police poseur buyer. Agad namang tumakas ang nag-aabang nitong kasama na lulan ng kulay pulang motorsiklo.

Samantala, si Buenaventura ay napatay sa buy-bust operation ng San Jose City Police sa Adela St., Brgy. Abar 1st, San Jose City nang manlaban umano sa mga tauhan ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya.

Apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu ang narekober ng pulisya kay Buenaventura.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with