^

Probinsiya

12-anyos nalunod sa dam, kalaro unang nasagip ng ama

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
12-anyos nalunod sa dam, kalaro unang nasagip ng ama
Ayon sa Pantabangan Police, nag-picnic at naligo sa isa sa ipinagmamalaking tourist attraction ng lalawigan na Pantabangan Dam ang pamilya ni Elmer Matias, 40-anyos, may-asawa ng Brgy. Homestead, Talavera, NE, nang sa hindi inaasahang pangyayari ay dalawang magkasunod na malalaking alon ang tumama sa lugar habang lumalangoy ang pamilya nito at ilang residente alas-4:30 ng hapon.

NUEVA ECIJA , Philippines  —  Magkahalong emosyon ang nadama ng isang tatay makaraang masagip nito sa pagkalunod ang 11-anyos na kalaro ng anak subalit bigo siyang iligtas sa pagkalunod ang 12-anyos na anak na tinangay ng ma­lakas na alon habang lumalangoy sa Pantabangan Dam Reservoir sa Sitio Intang, Barangay Liberty, Pantabangan, ng lalawigan noong Sabado ng hapon.

Ayon sa Pantabangan Police, nag-picnic at naligo sa isa sa ipinagmamalaking tourist attraction ng lalawigan na Pantabangan Dam ang pamilya ni Elmer Matias, 40-anyos, may-asawa ng Brgy. Homestead, Talavera, NE, nang sa hindi inaasahang pangyayari ay dalawang magkasunod na malalaking alon ang tumama sa lugar habang lumalangoy ang pamilya nito at ilang residente alas-4:30 ng hapon.

Sa bilis ng pangyayari, mabilis na sumaklolo si Elmer pero ang batang kalaro at bagong kaibigan ng anak na si Mea Lyn Uera, ang kanyang unang sinagip at mabilis na naisugod sa pinakamalapit na ospital. Bigo naman siyang masagip ang sariling anak na si Queen Jays Ann Matias, isang incoming Grade 6 student, nang tuluyang tangayin ng malakas na alon at lamunin ng dam.

Bandang alas-7:15 ng gabi na nang marekober ng mga volunteer divers ang katawan ni Queen Jays Ann sa ilalim ng Pantabangan Lake.

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with