^

Probinsiya

Nakapatay sa anak ng tserman, itinumba!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Nakapatay sa anak ng tserman, itinumba!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arman Capsa, 21-anyos, binata, residente ng Brgy. Tua, Magallanes, Cavite.
Miguel De Guzman

CAVITE, Philippines — Isang 21-anyos na binata ang patay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang papauwi matapos dumalo sa hearing kaugnay sa kasong “reckless imprudence resulting to homicide” na ikinasawi ng anak ng isang barangay chairman, sa Brgy. Poblacion-1A, Maragondon, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arman Capsa, 21-anyos, binata, residente ng Brgy. Tua, Magallanes, Cavite.

Nakilala naman ng pulisya ang isa sa mga suspek matapos mahagip ng mga CCTV sa lugar habang papatakas hanggang sa makauwi ng kanilang bahay na si Arcie Boy Nazareno, nasa hustong gulang, dating miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Ternate Municipal Police, habang ang kasama nito na nagsilbing driver ng motorsiklo ay hindi pa nakikilala.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nasangkot ang biktima sa isang aksidente kung saan nabangga nito at nasawi ang isang si R-Jhay Peji, nasa hustong gulang at anak ng isang barangay chairman ng Brgy. Sapang 1, Ternate noong Agosto 27, 2018 sanhi ng kanyang kaso at dinaluhan ang pagdinig nito sa korte.

Alas 11:05 ng umaga, pagkatapos ng pagdalo sa Hearing ni Capsa ay naglakad na ito upang umuwi subalit isang motor na may sakay na riding-in-tandem ang sumunod dito at ang naka-backride ang sunod-sunod na bumaril sa biktima.

Patay agad sa insidente ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at ulo habang tumakas ang mga salarin. 

Agad nangalap ang pulis­ya ng kopya ng CCTV sa mga posibleng dinaanan ng mga suspek at dito nila natunton ang isa sa mga suspek hanggang sa pag-uwi nito sa kanyang bahay.

Makikita umano sa CCTV na si Nazareno ang nagsilbing backrider na siya mismong bumaril kay Capsa. Nakita rin sa mga CCTV ang isa pang lalaki  na tumayong look out ng mga suspek na nakilalang si Jayson Consumo, dati rin umanong miyembro ng DEU ng Ternate Police.

Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon ang pagtumba sa biktima sa aksidenteng pagkakapatay nito kay Peji sanhi upang magtanim umano ng galit ang ama nitong tserman.

Sinampahan na ng kaso ang mga natukoy na suspek habang patuloy ang pagtugis sa mga ito.

vuukle comment

SHOT BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with