Duguang nakahandusay at parehong walang malay na magkatabi sa labas ng banyo ng kanilang bahay nang matagpuan ng mga rumespondeng pulis ang mag-live in na sina Liezel Arandia Tato, guro ng Hawan Elementary School at Reymark Tulalian Tebelin, 28-anyos.
Guro kinatay ng live-in partner
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Suspek nagsaksak din

LEGAZPI CITY, Albay --  Patay ang isang 24-an-yos na guro matapos pagsasaksakin ng kanyang kinakasamang tricycle driver na nagtangka ring magpakamatay nang magsaksak sa sarili makaraang magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Binanuahan, Bato, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Duguang nakahandusay at parehong walang malay na magkatabi sa labas ng banyo ng kanilang bahay nang matagpuan ng mga rumespondeng pulis ang mag-live in na sina Liezel Arandia Tato, guro ng Hawan Elementary School at Reymark Tulalian Tebelin, 28-anyos.

Ayon Col. Paul Abay, provincial director ng Ca-tanduanes Police, agad na isinugod ng kanyang mga tauhan ang dalawa sa Immaculate Heart of Mary Hospital sa bayan ng Virac pero idineklarang patay si Tato dahil sa mga malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nabuhay at patuloy na nagpapagaling sa isang saksak sa dibdib ang kinakasamang suspek na si Tebelin.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng gabi sa hindi pa malamang dahilan nag-away ang biktima at suspek. Gayunman, dahil sa init ng kanilang pagtatalo nagdilim umano ang pag-iisip ng suspek kaya kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kinakasama na tinangkang tumakbo upang magtago sa loob ng banyo. Makaraang undayan ng sunod-sunod na saksak ang babae, nagsaksak din sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ang suspek.

Sinampahan na ng kaso ng Bato Police ang suspek na mahigpit na binabantayan habang nagpapaga-ling pa ng tinamong sugat sa ospital

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with