Kinilala ang nasawi na si Michael Abanilla, nasa hustong gulang at ang mga nasugatang pasahe­ro ay tinukoy namang sina Ryan David Abanilla at Angel Theusus Añonuevo, 3-taong gulang.
Road mishap: 1 dedo, 2 malubha
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver habang malubhang nasugatan ang dalawang pasahero nito matapos na salpukin ng isang ruma­ragasang behikulo ang sinasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng Maharlika highway, Lucena City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Michael Abanilla, nasa hustong gulang at ang mga nasugatang pasahe­ro ay tinukoy namang sina Ryan David Abanilla at Angel Theusus Añonuevo, 3-taong gulang.

 Bandang alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa Brgy. Ibabang Iyam sa nasabing lungsod. Kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang tricycle na minamaneho ni Abanilla nang salpukin ito ng rumaragasang Mitsubishi Montero na minamaneho naman ni Alex Tresvalles  sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng tricycle na idineklarang dead-on-arrival sa Quezon Memorial Medical Center.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng behikulong nakabangga sa mga biktima na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with