Dead-on-arrival sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktimang si Raymund Pesimo, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Queborac, Naga City habang patuloy na inoobser­bahan naman ang kapwa cons­truction workers na sina Andres Bare, 51; John Paul Bare,18; Michael Bondocoy; Renier Nollas; Jasmin Han Camba; Jonard Camba at Mazzer Salik.
2 patay sa kidlat, 7 sugatan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nasawi ang isang cons­truction worker at isang magsasaka habang suga­tang isinugod sa hospital ang pitong iba pa matapos tamaan ng kidlat dahil sa malakas ang bagsak ng ulan habang sinabayan ng mga kulog at kidlat sa magkahiwalay na lugar sa Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktimang si Raymund Pesimo, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Queborac, Naga City habang patuloy na inoobser­bahan naman ang kapwa cons­truction workers na sina Andres Bare, 51; John Paul Bare,18; Michael Bondocoy; Renier Nollas; Jasmin Han Camba; Jonard Camba at Mazzer Salik.

Sa ulat dakong alas-4:30 ng hapon, matapos magtrabaho sa Zone-3, Brgy. San Vicente sa bayan ng Canaman ay sumilong ang mga bikti­ma sa ginawa nilang barracks (pahingahan) na may bubong na yero dahil sa malakas na bagsak ng ulan. Gayunman, nang kumidlat ay tinamaan ang kanilang barracks dahilan para lahat ng mga obrero ay tamaan at napuruhan nang husto si Pesimo na nawalan pa ng malaytao.

Samantala, patay ang 27-anyos na magsasaka na si Marvin Lascano Lanon, ng Zone-7, Brgy. Lu­luwasan, Balatan mata­pos tamaan ng kidlat ha­bang nakasilong sa isang kubo sa gitna ng palayan sa Zone-4, Brgy. Sta. Lucia sa bayan ng Nabua da­kong ala-1 ng hapon.

Tinangka pang isugod ng mga residente si Lanon sa Medical Mission Gruop Hospital pero idineklarang patay.

CRIME LIGHTNING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with