2 habal-habal driver todas sa barilan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang habal-habal driver ang bumulagta sa nangyaring barilan sa  Brgy. Basak, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Biyernes ng umaga.

 Kinilala ang mga biktima na sina Junny Sollano at Rolando Castillas, pawang aktibong miyembro ng habal-habal association sa nasabing barangay.

 Sa ulat ng Lapu-Lapu City Police, nangyari ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga.

Nabatid na pinagbabaril ni Castillas si Sollano sa kahaba-  an ng Basak-Marigondon Road sa Brgy. Basak ng lungsod.

 Nang marinig naman ang mga putok ng baril, nag­responde si Police Corporal Jacinto Sagarino pero sa halip na sumurender si Castillas ay tinangka pa siyang barilin kaya napilitan nitong paputukan at bumulagta.

 Sina Sollano at Castillas ay kapwa dead-on-the-spot sa nangyaring insidente.

 Lumilitaw naman sa imbestigasyon na sina Sollano at Castillas ay matagal nang may matinding alitan na siyang pangunahing motibo ng krimen.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with