Bebot natagpuang nakalutang
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang nalunod ang isang babae matapos na matagpuan ang bangkay nito na palutang-lutang sa Davao River malapit sa Holy Trinity Ecoland, Purok 33, Barangay 76-A sa Davao nitong Huwebes ng umaga.

Batay sa ulat ni Davao City Police Office (DCPO) director Police Colonel Alexander Tagum, alas-9:15 ng umaga nang tumawag ang Central 911 upang ipabatid sa himpilan ng pulisya ang natagpuan nilang katawan ng babae na palutang-lutang sa ilog.

Napag-alaman mula kay Angelito Canarias Alcorcon, 58, maintenance crew ng dredging vessel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na habang nagliligpit sila ng steel floater sa dredging vessel nang kanilang makita ang bangkay ng babae kasama ang mga inanod na kahoy at mga basura.

Ang ‘di pa nakilalang babae na biktima ay may kala­kihan na nasa edad 40-45, may taas na 5 talampakan at nakasuot ng kulay itim at puti na damit pang-itaas at brown na pantalon.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with