Dalaga nilamon ng ilog
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Legazpi City, Albay , Philippines  —  Isang 20-anyos na dalaga ang nasawi matapos malunod habang naliligo sa ilog kasama ang kasintahan, mga kaibigan at pamilya sa Brgy. Sta. Fe sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng hapon. Sinubukan pang isugod sa Mandaon Medicare Community Hospital pero ‘di na umabot nang buhay ang biktimang si Divina Magbalon Rivas, residente ng Brgy. Nabongsoran, Aroroy.

Sa ulat sa Mandaon Police ni Lito Bongcaras, 21-anyos, nobyo ng biktima, dakong ala-1 ng hapon habang naliligo sila ng kanyang kasintahan kasama ang kanilang mga kaibigan at mga kapamilya sa ilog nang bigla umanong lamunin ng ilog ang biktima sa malalim na bahagi nito.

Agad sinaklolohan ang biktima at nakuhang walang malay at mabilis na isinugod sa hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with