Ang mga napatay ay sina Norberto Oden, 63; Manuelito Bergonio alyas “Noknok”, 35, nasa drug watchlist at may naka­bimbing kaso ng carnapping; Juliet Fernandez, nasa hustong gulang, at tagapamahala umano ng drug den; isang alyas “Mel Diezel”, nasa drug watchlist din; at isang hindi pa nakilalang biktima.
Joven Cagande
Onsehan sa droga: 5 ‘tulak’ itinumba
Joy Cantos, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang limang si­nasabing kilabot na tulak ng droga na pinaniniwa­laang nang-onse sa kani­lang kasamahan nang rat­ratin ng mga armadong suspek sa isang drug den umano sa Brgy. San Padro, San Jose del Monte City, Bulacan nitong Huwebes ng umaga.

Ang mga napatay ay sina Norberto Oden, 63; Manuelito Bergonio alyas “Noknok”, 35, nasa drug watchlist at may naka­bimbing kaso ng carnapping; Juliet Fernandez, nasa hustong gulang, at tagapamahala umano ng drug den; isang alyas “Mel Diezel”, nasa drug watchlist din; at isang hindi pa nakilalang biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa umano’y drug den sa naturang lugar.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, naka­rinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at kasu­nod nito ay mabilis na nag­sitakas ang mga armadong suspek.

Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ay dito na tumambad ang mga nakabulagtang biktima at narekober ang 10 piraso ng basyo ng car­tridge ng cal. 45 pistol, anim na piraso ng cal. 40 cartridge, dalawang piraso ng hindi pa naipuputok na bala ng cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng cal. 40 at cal. 45 pistol.

Gayundin ang isang ma­laking plastic sachet ng shabu at pitong maliliit na plastic sachet ng shabu.

Sa testimonya ng mga residente sa lugar at mga kamaganak ng biktima, ki­numpirma ng mga ito na sangkot ang mga biktima sa pagtutulak ng droga sa kanilang lugar.

SAN JOSE DEL MONTE CITY CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with