Himas-rehas ngayon sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.
Edd Gumban
2 parak arestado sa extortion
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang ipinasok sa selda ng kanilang kabaro matapos maaresto sa isang entrapment ope­ration na ikinasa ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) laban sa ka­nila dahil sa pangingikil umano sa mga suspek sa kanilang inaresto sa bayan ng Wao, Lanao del Sur, kamakalawa.

Himas-rehas ngayon sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.

Ayon sa ulat, inaresto ang dalawa sa aktong tinatanggap ang P50,000 marked money mula sa complainant.

Ayon sa nagrerekla­mong si Laut Madale, na­­aresto ang kanyang anak nina Piquero nang salaka­yin ang kanilang bahay nang walang search warrant noong Mayo 17, 2019 para sa kasong illegal pos­session of firearms at nakuhanan ng isang .45 kalibre na baril.

Hiningan umano si Ma­dale nina Piquero ng P200,000.00 kapalit ng kalayaan ng kanyang anak at mapababa ang kaso.

Sinabi pa ni Madale na nakapagbigay na siya ng P100,000.00 at pinalabas ang anak. At may balanse pa silang P100,000.00 na bumaba sa P50,000.00.

Dahilan para magsum­bong­ si Madale sa CITF at dito na ikinasa ang ope­ras­yon laban sa dalawa na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

COP ARRESTED FOR EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with