Ang nasawi ay si Lolito dela Rama, 57, may asawa at residente ng Binangonan, Rizal.
Pahinante pisak sa sinasakyang trak
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Pisak ang ulo at katawan ng isang pahinante matapos mahulog at magulungan ng sinasakyang trak nang bumangga ito sa gilid ng kalsada sa isang bahagi ng burol sa Brgy. Sta. Catalina, sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay si Lolito dela Rama, 57, may asawa at residente ng Binangonan, Rizal.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng gabi ay binabagtas ng 14 wheeler truck na sinasakyan ng biktima at hindi nakikilalang driver ang kahabaan ng diversion road patungo sa Maynila nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa gilid ng burol.

Bahagyang umatras ang trak at nahulog ang biktima sa kalye at doon na ito nasagasaan.

Tumakas ang driver ng trak matapos ang aksidente.

ATIMONAN ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with