Hideout ng most wanted ni-raid: 2 tigok 3 huli
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang mismong target ng pulisya na may patong-patong na warrant of arrest sa mga kasong murder, habang tatlo ang inaresto ng mga pulis sa isang search warrant operation na isinagawa sa umano’y hideout ng mga ito sa Sitio­ Pulo, Brgy Anabu 2-C, Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na suspek na sina Eduardo Sico, 45 target ng pulisya at nasa listahan ito ng High Value Target ng Cavite; at Alexander Ser, 46; ang dalawa ay pawang residente ng Sitio Pulo, Brgy. Anabu 2-C ng naturang lungsod.

Arestado naman sina Denver Maliksi, 33; Jefferson Aquino, 23; at Melencio Gonzales, 67-anyos; pa­wang mga residente ng Brgy. Alapan, ng nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon, bitbit ang search warrant, sinalakay ng mga otoridad ang hideout ng mga suspek sa nasabing lugar kung saan inabutan ang mga suspek sa loob ng nasabing bahay na aktong nagre-repack ng mga shabu.

Agad itong pinaligiran ng pulisya at tinangka pang pasukuin nang maayos subalit agad na nanlaban ang target na suspek at pinaputukan ang pulisya.

Dito na nauwi sa engkuwentro at habulan ang operasyon hanggang sa mapatay ang dalawa at maaresto naman ang tatlo pang kasama.

SEARCH WARRANT OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with