Motor vs. motor: 2 rider dedo
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang rider nang magsalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa Brgy. Dado sa bayan ng Alamada, North Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kapwa binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang mga biktimang sina Mosaiden Ricor, 17-anyos, at Allan Gumaway, 25, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang mangyari ang salpukan ng dalawa habang nagmamadaling bumili ng makakain si Ricor bilang panghapunan at pauwi naman noon sa kanilang tahanan si Gumaway.

Sabay na isinugod sa ospital ang dalawa ngunit maka­lipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay si Guma­way habang dakong ala-1:00 naman ng madaling araw nang malagutan ng hininga si Ricor.

ALAMADA ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with