Kinilala ni P/Lt. Col. Francisco Jarcia Lucena III, hepe ng pulisya sa lungsod ang mga nasakoteng umano’y kidnappers na sina Floyd Ordoñez, 36-anyos; Arwin Varrios, 35-anyos; Allan Sundiam, 39; Mark Angel Andamon, 27, security guard; Princess Sarmiento, 23; Princess Joy Poras, 19, at Jac­kielou Bernal, 38.
7 kidnaper timbog sa Cavite!
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

2 bihag nakaligtas

MANILA, Philippines — Nadakma ng puwersa ng Imus Police ang pitong hinihinalang  miyembro ng kidnap-for-ransom kabilang ang tatlong babae matapos umano nilang dukutin ang isang seaman at kasama nitong babae na masuwerteng nakatakas at nakapagsumbong sa mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Anabu 1D, Imus City, Cavite.

Kinilala ni P/Lt. Col. Francisco Jarcia Lucena III, hepe ng pulisya sa lungsod ang mga nasakoteng umano’y kidnappers na sina Floyd Ordoñez, 36-anyos; Arwin Varrios, 35-anyos; Allan Sundiam, 39; Mark Angel Andamon, 27, security guard; Princess Sarmiento, 23; Princess Joy Poras, 19, at Jac­kielou Bernal, 38.  

Sa pagsisiyasat ng pulisya, magkasama ang seaman na si  Sherwin Allen Legaspi, 25, binata at Patricia Dante, 19, dalaga nang bigla na lamang umano silang dikitan ng mga suspek at sapilitang isinama. Agad silang dinala sa safehouse sa Brgy. Anabu 1D at dito umano iginapos. Kinausap ng mga suspek ang dalawang bihag at sinabing kailangan nila ng P40,000 kung kaya tinawagan ang magulang ni Legaspi at kinausap nito upang hingin ang nasa­bing pera. Sinabihan din siya na huwag magsusumbong kahit kanino upang hindi sila saktan at patayin.

Habang hinihintay ang ransom money mula sa pamilya ng seaman, nakatulog ang mga suspek kung kaya sinamantala ni Dante na tumakbo palabas hanggang sa makarating sa Barangay Hall at dito humingi ng tulong.

Sa ikinasang operas­yon ng Police Community Precinct 3 at SWAT team, sinalakay ang safehouse ng mga suspek at nadatnan ang pitong suspek na hindi na nakuha pang manlaban at nasagip ang biktimang seaman. 

Narekober sa mga suspek ang isang cal. 45 na may magazine at mga bala, isang cal. 38 na kargado rin ng mga bala, 8 plastic sachet ng marijuana, 3 plastic sachet ng shabu, water pipe at 9 na cell phone.

KIDNAP-FOR-RANSOM. KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with