Kinilala ni Lt. Col. Ramon Balauag, Lipa police chief ang suspek na si Jorge Benedicto, security guard ng Healthy BSS Security Agency na nakatalaga sa Miracke Heights Subdivision, Brgy. Antipolo Del Norte, Lipa City at kasalukuyang nakakulong sa Lipa Police Station habang inihahanda ang kaso laban dito.
Suspek sa DLSU stude rape-slay arestado
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

LIPA, Batangas  , Philippines  —  Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa rape-slay ng De La Salle-Lipa student sa isang police operation sa Oriental Mindoro, Martes ng hapon. 

Kinilala ni Lt. Col. Ramon Balauag, Lipa police chief ang suspek na si Jorge Benedicto,  security guard ng Healthy BSS Security Agency na nakatalaga sa Miracke Heights Subdivision, Brgy. Antipolo Del Norte, Lipa City at kasalukuyang nakakulong sa Lipa Police Station habang inihahanda ang kaso laban dito. 

Si Benedicto ay ang itinuturong pumatay at nanggahasa kay Fidex Therese Maranan, 21-anyos, 4th year college student ng De La Salle University sa Lipa. 

Natagpuang patay si Maranan sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay sa nasabing subdivision na may saksak sa leeg at sugat sa ulo noong May 17 bandang alas-3:30 ng hapon.

Nasakote si Benedicto sa Brgy. Calapan Victoria Oriental Min­doro ng pinagsanib na elemento ng Victoria at Lipa Police noong May 21 bandang alas-5:10 ng hapon.

Gayunman, tumang­gi pang idetalye ni Ba­tangas Police Director Col. Edwin Quilates ang pagkakaaresto kay Benedicto habang inihahanda ang pormal na pagsasampa ng kaso sa korte. 

APE-SLAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with