3 patay, 3 sugatan sa road mishap
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraan ang salpukan ng mga sasakyan sa Kakai Renabor, Tubod, Lanao del Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Major Rodolfo Dongiapon, hepe ng Tubod Police ang mga nasawi na sina Samia Pasan Montila, 30; Charlyn Mondido Sumagang, 33, at Amenola Hadji Latip habang ang mga sugatan ay sina KJenelyn Filipino Sayre, 31; Mohammad Jalil Pasan Montila, 9-anyos at Antonina Pang-an Balatero, 55.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng hapon nitong Martes habang tinatahak ng Toyota Sedan ang national highway mula sa Tubod patungo sana ng bayan ng Kolambugan nang bumangga ito sa tricycle na nawalan ng kontrol kaya nasalpok din ito ng paparating na Nissan pick-up dahilan para tumilapon ang anim na mga pasahero nito. Dahil dito, tumakas ang drayber ng Toyota Sedan sakay sa isang puting Toyota Revo at iniwan ang kanyang sasakyan.

Ayon kay P/MSgt. Mark Debb Namuag, sa plakang AA 1884 ng ina­bandonang sasakyan, lumalabas na ito ay naka­rehistro sa isang Nicanor Andal Garcia ng Fairview, Quezon City. Ang drayber naman ng asul na Nissan Pick-up (FOZ 853), na kinilalang si Prince Ale­xander Umpa Caorong ay boluntaryong sumuko sa mga otoridad. 

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with