Kawani ng DepEd itinumba
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Patay ang isang empleyado ng isang pampublikong paaralan sa bayan ng Arakan makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunman sa Purok 7, Barangay New Pontevedra, Antipas, North Cotabato, Martes ng gabi. Kinilala ang biktima na si John Rex Iremedio Daruca, 30, isang bagong pasok na administrative assistant ng Department of Education, Cotabato Division at taga Malinan, Kidapawan City.

Sa ulat ni P/Capt. Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Police, nakita na lamang ng mga residente ang bangkay ng biktima dakong alas-11:30 ng gabi.

Inaalam pa ng pulisya kung tinangay ng mga suspek ang gamit nitong motorsiklo. Narekober sa crime scene ang pitong bala ng kalibre .45 na pistol. Isa ang personal na alitan at trabaho sa mga sinisilip na anggulo sa krimen maliban pa sa posibleng pulitika dahil sa iba’t ibang kandidato umano ang sinuportahan ng biktima nitong nakalipas na eleksyon.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with