Kasalukuyan pang ina­alam ng Albay Police ang pagkakakilanlan ng anim na nasawi at mga sugatang biktima na nilalapatan ng lunas sa Pantao District Hospital.
Jeep hulog sa bangin: 8 dedo, 18 sugatan
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Walo katao ang nasawi habang 18 pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Sitio Hulandig, Brgy. San Jose, Libon, Albay kahapon ng hapon.

Kasalukuyan pang ina­alam ng Albay Police ang pagkakakilanlan ng anim na nasawi at mga sugatang biktima na nilalapatan ng lunas sa Pantao District Hospital.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing highway ang kulay dilaw na pampasaherong jeepney (EVF-366) na minamaneho ni Rolando Olade, nang mawalan ng preno at aksidente itong mahulog sa bangin.

Nabatid na may lulang 30 katao ang jeep na ga­ling Brgy. Pantao, Libon, Albay at patungo sa Centro Poblacion nang pagsapit sa pakurbadang daan ay pumalya ang preno nito at tuluy-tuloy na bumulusok pababa sa matarik na bangin.

CRIME ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with