Ang mga nakabulagtang bangkay nina dating SPO4 Edralino Domingo at umano’y kumare na si Jane Tul-O na sinasabing hiniwalayang misis ni Camarines Norte Police Director Colonel Godofredo Tul-o matapos silang tambangan at pagbabarilin sa Naguilian, Isabela kamakalawa.
Raymund Catindig
Retiradong parak, kumare itinumba!
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Tadtad ng bala ang isang retiradong pulis at kanyang kumare na negosyante matapos silang ratratin ng mga pinaniniwalaang bayarang berdugo habang magkaangkas sa motorsiklo sa Brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela noong Lunes. 

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ret. SPO4 Edralino Domingo, 63-anyos na dating nakatalaga sa Burgos Police Station at natalong kandidato para konsehal sa kanyang bayan ng Aurora, at Jane Tul-O, 45, isang mag-aalahas at sinasabing hiniwalayang misis ni Camarines Norte Police Director Colonel Godofredo Tul-o.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang inihahatid ni Domingo si Tul-o sa bahay nito sa Brgy.Villaluz sa bayan ng Benito Soliven nang paulanan sila ng bala ng mga sumusunod na killers sakay ng puting pick-up dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa mga saksi lu­mapit pa sa mga natumbang biktima ang mga suspek saka sila tinapos ng dalang M16 armalite rifles at kinuha pa ang cal.45 na baril ni Domingo bago tumakas.

Narekober sa lugar ang 23 basyo ng bala ng cal.5.56.

Inaalam pa ng mga im­bestigador ang motibo sa krimen. 

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with