Bala para sa ama ‘sinalo’ ng 8-anyos na anak, patay
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Patay ang isang 8-taong gulang na babae matapos masapol ng bala na nakalaan sana para sa kanyang tatay mula sa kaalitan sa Sitio Takbo, Brgy. Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Major Jardi Mont Sibal, hepe ng Lake Sebu Police ang nasawi na si Aiza Mindal, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Sibal, may kaalitan ang ama ng biktima na nakilalang si Yok Mindal sanhi ng ‘di inaasahang krimen. Pasado alas-8:00 ng umaga nang dumating ang suspek na si Pat Lambuyo sa bahay ng mag-amang Mindal kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo.

Bumunot ng ‘di matukoy na uri ng baril si Lambuyo at pinaputukan si Yok na masuwerteng di tinamaan.

Gayunman, ang bala ay dumiretso sa kanilang bahay kung saan nasa loob ang anak ni Yok at tinamaan. Nasawi agad ang bata habang tumakas ang suspek. 

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with