2 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan  , Philippines  —  Dalawang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot ang napatay ng mga awtoridad habang 9 na adik ang naaresto sa magkakahiwalay na buy- bust operation sa lalawigan.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director ang napatay na sina alyas Bong Retuya, kabilang sa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at isang Edwin Domingo, 42.

Si alyas Bong ay napatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Brgy. Sampaloc, San Rafael sa isinagawang buy-bust operation.

Narekober dito ang 8 plastic sachet ng shabu, isang cal .45 pistol, isang black Honda Wave motorcycle at buy-bust money.

Nakatunog naman si Edwin na isang police asset ang ka-transaksyon sa bentahan ng droga sanhi ng shootout na ikinamatay ng suspek dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City. Narekober dito ang 15 plastic sachets ng shabu, 1 cal .38 revolver, 1 MIO Sporty motorcycle at buy- bust money.

Samantala, 9 na mga drug users kabilang ang isang 16-anyos na babae ang naaresto ng Bulacan Police sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL BUY- BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with