Killer ng mag-ina sumuko
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumuko na ang suspek sa brutal na pagpatay sa isang mag-ina na kanyang biyenan at hipag sa Nueva Ecija noong nakalipas na buwan, ayon sa isang opisyal kahapon.

Iprinisinta ni P/Brig. Gen. Roberto Fajardo, Director ng PNP-Highway Patrol (PNP-HPG) ang sumurender na suspek na si Edmyr Balimbin.

Si Balimbin ay boluntar­yong sumuko sa mga ele­mento ng Regional Highway Police Unit-National Capital Region (RHPU-NCR) Motorcycle Unit sa pamumuno ni Major Howell Joseph Greñas, hepe ng Motorcycle Unit sa ilalim ng superbisyon ni P/Col. Christian Haveria, regional chief ng RHPU-NCR sa Partas Bus Station sa Aurora Boulevard, Quezon City dakong alas-5:56 ng umaga.

Siya ay suspek sa pagpatay sa biyenan nitong si Gina Garcia at hipag na si Jenny Grace Garcia at tangka pang pagpatay kay Karen Rosete sa bahay ng mag-ina sa Diamond Street, Rufina. 

Sa interogasyon, inamin ng suspek na nagdilim lang umano ang kanyang pani­ngin kaya nagawang saksakin ang biyenan at hipag dahil nagtatalo sila palagi sa perang ipinadadala ng kanyang misis bilang sustento sa kanilang mga anak.

Bukod dito, itinatago umano ng kanyang biyenan ang kanyang mga anak para sa kanya mapunta ang pe­rang ipinadadala ng misis nito na nagtratrabaho sa ibang bansa.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with